DRIVER AT ANAK, PATAY SA BANGIN

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang driver at anak niya matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang cargo truck sa Real, Quezon .

Base sa ulat ng Real police, kinilala ang mga nasawi bilang sina Alfonso Castro, 41, at kanyang anak na si Allen, 21. Pareho umano silang residente ng Baliwag, Bulacan.

Lumitaw sa pagsisiyasat na tinatahak nang mag ama ang pababang bahagi ng national highway patungo sa direksyon ng Infanta nang mangyari ang aksidente bandang alas-7:45 ng kamakalawa ng umaga.


Nagdire-diretso umano ang truck sa pakurbadang daan na walang mga harang, hanggang sa bumangga sa mga puno at nahulog sa banging may lalim na 40 talapakan.

Nagkawasak-wasak ang truck na may kargang animal feeds at naipit sa loob ang mga biktima.


Tumagal nang 3 oras bago nahugot ng rescue team ang mga biktima, na gawa pang ma-itakbo sa rural health unit pero idineklara patay na ng idating. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Real police

You May Also Like

Most Read