Sina (nakaupo, ikalawa mula kaliwa) UDM President Dr. Felma Tria kasama sina (mula kaliwa) Jess Varela, Coun. Joaquin Domagoso at Amb. Francis Chua. Nasa likuran nila sina (mula kaliwa) Atty. CP Labajoy, Asec. Hiro Masuda, Atty. Rom Quizon, Rene Simbulan, Manila Secretary to the Mayor Manuel 'Letlet' Zarcal, Atty. Pearlito Campanilla at Shan Kao.

DR. FELMA TRIA, REELECTED BILANG UDM PRESIDENT

By: Jerry S. Tan

SA isang ‘unanimous vote’ o nagkakaisang boto ng Board of Regents (BOR), muling nahalal bilang Presidente ng Universidad de Manila (UDM) si Dr. Felma Carlos-Tria.

Si Tria ay nagsilbi sa naiwang termino ng kanyang sinundan na si Malou Tiquia at dahil nag-expire na ang nasabing term ay inihalal siyang muli upang ipagpatuloy ang pamumuno sa nasabing city-run university.


Sa kanyang maiksing apat na taong panunungkulan bilang UDM President, si Tria ay lumikha ng legacy sa panamagitan ng accomplishments ng institusyon na nagbigay-daan upang mapabilang ito sa listahan ng top universities, internationally.

Pinatunayan ni Dr. Tria ang commitment ng UDM sa pag-produce hindi lamang ng basta graduates, kundi maging ng mga ethical leaders at responsableng global citizens na kumakatawan sa transformative mission ng pamantasan.

Pangunahin din sa kanyang mga nagdawa ang kanyang ambag hindi lamang sa progreso ng ng kanyang mga mag-aaral kundi maging sa United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs).


“From Manila to the world, UDM has shown that local universities can leave a global mark. By aligning its programs with the UN SDGs, UDM is not only transforming the lives of its students but also contributing to national progress and international dialogue,” pahayag ni Tria.

Noong 2025, pumasok ang UDM sa Times Higher Education (THE) Impact Rankings, kabilang ito sa 2,300 universities sa buong mundo at nagpakita ng kalakasan sa “No Poverty, Gender Equality, Partnerships for the Goals and Peace, Justice and Strong Institutions”.


Pinatunayan nito na ang lokal na pamantasan ay makakagawa ng makabuluhang ambag sa mga pandaigdigang hamon.

Sa kasalukuyan, ang lahat ng 18 undergraduate programs ng UDM ay tumanggap ng Certificates of Program Compliance (COPC) mula sa CHED, habang ang Association of Local Colleges and Universities – Commission on Accreditation (ALCUCOA) ay ginawarang ng Level II Accreditation sa loob ng maikling panahon.


Ang mga milestones na ito ay tumitiyak na ang mag-aaral ng UDM ay tumatanggap ng edukasyon na kaparehas ng edukasyon na may national at international standards.

Ang mga UDM graduates ay ‘consistent’ din sa kanilang performance sa licensure exams, na may passing rates na 92.41% sa Criminology, 83.33% sa Nursing at 100% para sa Professional Teachers in 2025 at dahil dito ay tuloy-tuloy ang university Academic Excellence Awards.

Matagumpay ding natapos ni Tria ang prestihiyosong CHED–AIM Global Academic Leadership Program for Local Universities and Colleges (GALP LUC) sa Asian Institute of Management. Ang kanyang capstone project, “Place-based Postgraduate Education Case Analysis: Experiential Learning at the Workplace,” ay nagpapakita sa kanyang pananaw sa pag-integrate ng real-world applications sa academic learning at tumitiyak na ang mga UDM graduates ay parehong competent at responsive sa mga pangangailangan ng komunidad.



Sa ilalim ni Tria ay nakapagpakita rin ang UDM ng malakas na academic partnerships na itinatago sa Asia at lagpas pa, kabilang na ang kolaborasyon sa mga institutions sa China, Korea, Indonesia, Vietnam, Malaysia, Thailand at Russia.

Nitong Mayo 2025 lamang, ang UDM ay lumagda sa mahigit na 30 institutional partnerships sa research, curriculum development and academic exchange. Kapareho ding halaga nito ang pagpapalakas ng UDM ng research culture.

Samantala, ang NILAD Journal ay patuloy na nagsisilbi bilang official publication, habang ang mahigit na 100 faculty members ay nagprisinta ng kanilang mga nagawa sa national at international conferences. Ipinakilala din ang policy initiatives para mai- institutionalize at mapanatili ang kultura ng pagsasaliksik.

Sa ilalim ng pamumuno ni Tria, ang UDM ay nakapamahagi ng mahigit P171 million sa Social Amelioration Program (SAP) funds sa mahigit na 20,000 students sa pagitan ng 2023 at 2025 at dagdag pa rito, ang ‘Taas Noo Manileño Graduation Gift’ ay nagkaloob ng P3.5 million sa 1,817 graduates upang suportahan ang kanilang transisyon sa workforce.

Bilang karagdagan, ang Associate in Barangay Governance (ABG) Program ay nakapagsanay ng 50 barangay officials sa fiscal management, legislation at digital governance at dito, tinitiyak na ang edukasyon ay lumalawig hanggang sa grassroots leadership.

Mula sa award-winning Seismic Sentinel earthquake detection system hanggang sa pagiging kampeon sa entrepreneurship at taekwondo, napatunayan ng UDM na ito ay ‘hub’ ng innovation and holistic development. Ang integration ng Microsoft 365 at campus-wide connectivity ay lalo pang pinatunayan ang pagkatuto sa hinaharap mababawasan ang digital inequalities at magiging matatag.

Mayo 2024 naman nang pinasinayaan ng pamantasan ang Amb. Francis Chua Technology Wing, isang state-of-the-art facility na naging possible dahil sa suporta at donasyon ni Chua. Ito ay inaasahang magiging hub para sa technology-driven education, innovation at research, at tiyaking handa ang mga mag-aaral ng UDM sa hamon ng digital sa mga darating na taon.

Tags: Dr. Felma Carlos-Tria

You May Also Like

Latest News