DOTR: Sa pagsasa-pribado ng operasyon ng NAIA, terminal fee, posibleng tumaas

By: Baby Cuevas

Inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na posibleng tumaas ang terminal fee sakaling kasunod na rin nang pagsasa-pribado na ng operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Bautista, maaaring magdesisyon ang San Miguel-led consortium, na nanalo sa bidding upang i-operate ang NAIA, na itaas ang terminal fee sa paliparan.


Gayunman, bago aniya ito maisagawa ng consortium ay kailangang magpatupad muna ito ng mg improvement sa paliparan.

“Posible, but not necessarily kasi kung magiging efficient yung operations nila eh baka hindi naman sila masyadong magtaas ng terminal fee,” ani Bautista, sa panayam sa Teleradyo.

Nilinaw naman ni Bautista na terminal fee sa NAIA ay isa pa rin sa pinakamababa sa Asya.


Napag-alaman na bukod naman sa terminal fee, ilan pa umano sa mga fees na maaari ring tumaas ay ang aeronautical fees at rental fees, na maaaring magresulta rin sa pagtataas ng airfare prices.


Tags: Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista

You May Also Like