Latest News

DOT, DND, DILG nagsanib pwersa upang matiyak ang kapayapaan at mapaunlad ang turismo sa Mindanao

By: Victor Baldemor Ruiz

Bilang pagkilala na ang seguridad, kapayapaan, at kaayusan ay mahahalagang sangkap sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programang pang-turismo, lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Tourism (DOT), Department of National Defense (DND), at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang matiyak ang kapayapaan at mapaunlad ang turismo sa Mindanao.

Nanguna sa ginawang MOA Signing Ceremony sa Zamboanga City ngayong araw sina DOT Secretary Christina Garcia Frasco, DND Secretary Carlito Galvez, Jr. at DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr.

Ayon kay Abalos, ang bagong convergence program sa pagitan ng tatlong Kagawaran ay demonstrasyon ng dedikasyon at kagustuhan ng pamahalaang ipagpatuloy ang pagpapaunlad sa mga insurgency-free communities at mga lugar sa Mindanao na malaki ang potensyal sa turismo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga community-based tourism programs.


Nangako rin ang Kalihim na tutupad ang DILG sa mga tungkulin at responsibilidad na nakasaad sa bagong-lagdang MOA.

“Through this convergence, the DILG commits to ensuring that our local police are properly deployed in tourist destinations. I also call on our local government units to formulate their local tourism plan. Engage civic organizations in your localities to collaborate and work together with the local government units (LGUs) and other non-government organizations (NGOs) in promoting tourism developmental projects,” ani Abalos.

Binigyang diin din ni Abalos ang potensyal ng Mindanao na patuloy na umunlad sa pamamagitan ng turismo.

“I’ve been to Mindanao countless times. At sa tuwing ako ay nagpupunta rito, talagang ako’y namamangha sa angking ganda ng Mindanao. The pristine beaches, the history-filled heritage sites, the warmth of the Mindanaoans–all of these are important ingredients for this region to thrive,” aniya.


Dagdag pa niya: “What we need to do is to ensure peace and order. Kapag payapa, tahimik at ligtas ang isang lugar, dadayuhin iyan ng mga turista and that is what this convergence program is all about.

Tags: Department of National Defense (DND, Department of the Interior and Local Government (DILG ), Department of Tourism (DOT)

You May Also Like

Most Read