Latest News

DOLE, suportado ang 4-day work week

SUPORTADO ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panukalang ” four-day workweek” para matulungan ang mga manggagawa na makaagapay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez sa ginanap na Laging Handa public briefing, ang naturang work arrangement ay dati nang naipatupad sa mga nakalipas na krisis.

“Mainam na may mga ganitong panukala para matulungan natin ang mga manggagawa lalung-lalo na ngayon na tumataas ang presyo ng gasolina at iba pang commodities,” ayon kay Benavidez.

“Ang four-day workweek ay hindi bago. Ginamit din po ito nung mga nakaraang krisis pang-pinansyal at ginagawa din ito ng ibang pribadong kumpanya,” giit pa ng opisyal.

Gayunman,sinabi ni Benavidez na ipauubaya na nila s Civil Service Commission (CSC),ang desisyon kung papayagan ang four-day workweek scheme. (Anthony Quindoy)

Tags:

You May Also Like

Most Read