DOLE: Mga papasok sa Mayo 1 double pay

PINAALALA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga empleyadong papasok bukas, Mayo 1, ay dapat bigyan ng double pay.

Ito ang nakasaad sa Labor Advisory No.11 S. 2022, kung saan ang mga empleyadong papasok sa Mayo 1 ay dapat makatanggap ng 200% ng kanilang sahod sa araw na iyon.


Sa Mayo 1 ay ginugunita sa bansa ang araw ng paggawa o Labor Day.

“We enjoin our employers to observe the pay rules for this regular holiday, much as we also advise our workers to know their rights, especially this Labor Day,” wika ni DOLE Sec. Silvestre Bello III.

Gayundin, ang mga hindi naman papasok sa naturang araw ay dapat pa ring matanggap ng 100% ng kanilang sahod.


Tags: Department of Labor and Employment (DOLE)

You May Also Like