DOKTORA NG PGH, NATAGPUANG PATAY AT BUTAS ANG ULO SA LOOB NG CONDO

By: Baby Cuevas

Patay na at may dalawang butas sa ulo ang isang doktora ng Philippine General Hospital (PGH) nang matagpuan ng kanyang mister Martes ng hatinggabi sa loob ng tinutuluyang condominium sa Malate,Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PCMS Boy Niño Baladjay ng Manila Police District -homicide section,ang biktimang si Cecille, 30 ng Archer’s Place West Tower, Malate, Maynila, ay natagpuan ng kanyang mister na walang buhay at duguan habang nakahiga sa kama dakong alas- 11:30 ng gabi.

Nakita ng imbestigador na butas ang tuktok at sa kanang bahagi ng ulo ng biktima Gayunman ,hindi sira and pintuan at hindi magulo ang kuwarto ng biktima nang puntahan ng mga imbestigador.


Ayon sa asawa ng biktima na isa ring doktor, umuwi siya sa kanilang condo at dito niya nakita ang duguang biktima kaya kaagad siyang humingi ng tulong sa security guard. Isinakay nila sa elevator ang biktima at idiniretso sa PGH pero hindi na umabot nang buhay sa pagamutan.

Sinabi ni MPD-homicide chief PCapt Dennis Turla na patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang ikinamatay ng biktima.

Inaalam din kung nagkaroon ng ‘foulplay’ sa pagkamatay ng biktima,habang hinihintay ang resulta ng isinagawang awtopsiya sa bangkay.


Tags: Philippine General Hospital (PGH)

You May Also Like

Most Read