By: JANTZEN ALVIN
Pinasimulan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang deportation proceedings laban sa naarestong Australian drug trafficker na miyembro umano ng notoryosong Mexican Sinaloa drug cartel upang ito ay maibalik na sa kanyang bansa.
Sinabi ni Remulla na kasalukuyang nakapiit pa rin sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang high-profile fugitive na kinilalang si Gregor Johann Haas, 46, na naaresto ng Bureau of Immigration -Fugitive Search Unit (FSU) noong Mayo 15 sa Bogo, Cebu.
Napag-alaman na si Haas ay target ng ‘red notice’ ng Interpol na nag-uugat naman sa criminal complaint na inihain ng Indonesian authorities. Diumano, si Haas ay nagtangkang magpuslit sa Indonesia ng ilegal na droga mula sa Guadalajara, Mexico na itinago nito sa floor ceramic.
“Haas’ arrest is a direct result of our law enforcement’s dedication to securing our borders and safeguarding our communities,”anj Remulla.
“The apprehension of this high-profile fugitive sends a clear message: those who violate our laws and threaten public safety will be brought to justice,” dagdag pa nito.
Aniya, dapat na maging babala sa mga dayuhan na ang Pilipinas ay hindi paraiso ng. mga dayuhang pugante.