By: JANTZEN ALVIN
Nananawagan ang Department of Justice (DOJ) sa mga awtoridad ng Timor Leste para sa mabilis na extradition o deportation ng naarestong si dating Representative Arnolfo Teves, Jr., matapos na makatanggap ng ulat ang DOJ na ang anak nitong si Teves Jr. ay nanuhol ng mga miyembro ng Criminal Investigation Police (PCIC) kapalit ng pagbibigay ng special treatment sa kanyang ama habang nakadetine.
Ayon Sa natanggap na ulat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nag-alok umano si Teves Jr.ng $2,000 o P114,000 kapalit ng seguridad sa loob at labas ng Becora Prison, kung saan siya nakadetine habang hinihintay ang kanyang deportation o extradition.
Sa kasalukuyan ay nasa pre-trial na si Teves kasunod ng kanyang pagkaka-aresto noong Marso ng Timorese authorities matapos tumugon sa INTERPOL red notice.
Wanted sa Pilipinas si Teves sa kasong corruption, assassination, at pinaghihinalaang terorismo.














