Nagpahayag ng paniniwala ang Department of Justice (DOJ) na maibabalik sa bansa sa darating na Hulyo si dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves para harapin ang kanyang kasong kriminal sa bansa.
Ito umano ay sa kabila ng ginawang pag-apela ng kampo ni Teves sa Timor-Leste Court of Appeals kaugnay sa naging desisyon na payagan ang kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas na extradition laban kay Teves.
“If by Monday, magfa-file na sila…Hopefully by end of next week meron na pong desisyon. Binibigyan kasi sila ng 30 days para mag-file,” ani DOJ spokesperson and Assistant Secretary Jose Dominic Clavano IV.
Ayon kay Clavano, itinataya nila na sa huling linggo ng Hulyo maibabalik na sa bansa si Teves matapos nitong.maghain ng apela.
Napag-alaman na mayroong 30 araw ang kampo ni Teves para i-apela ang desisyon ng korte.
Una nang kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio na hindi pa maaring maibalik sa Pilipinas si Topacio dahil may nakabinbin itong aplikasyon para sa political asylum.
Gayunman, sinabi ng DOJ na ang aplikasyon para sa political asylum ay dalawang beses nang ibinasura.
Sinabi ni Clavano na malakas ang extradition case ng gobyerno dahil hindi naman totoo ang argumento ng kampo ni Teves.
Hindi naman umano ‘politically-persecuted’ sa Pilipinas si Teves at hindi rin totoo ang kanyang pangamba na nahaharap siya sa death penalty.#
“We do not have a death penalty here in the Philippines. We also have had certain reforms and efforts in human rights, protection of human rights,” ayon kay Clavano.
“I think ‘yung satisfaction ng mga justices ng Court of Appeals of Timor-Leste will carry over sa motion for reconsideration,”dagdag ni Clavano.
Nabatid na si Teves ay nahaharap sa kasong murder dahil sa pagkakasangkot nito sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong 2023.
Bukod pa sa kaso may kaugnayan sa pagkamatay ng tatlong indibiduwal sa Negros Oriental noong 2019.














