Latest News

DOJ, NAIS BUKSAN ANG ISA SA MGA KASO NG DRUGS VS DE LIMA

By: Anthony Quindoy

Nagpahayag ang Department of Justice (DOJ) na nais nitong buksan muli ang isa sa mga kaso ni dating Senador Leila de Lima na may kaugnayan sa iligal na droga, matapos na maghain ng mosyon ang prosekusyon para makapagharap ng bagong testigo laban sa dating mambabatas.

Hiniling ng prosekusyon sa Muntinlupa RTC na muling buksan ang paglilitis upang itakda ang kaso para sa paglalahad ng kanilang rebuttal evidence.

“The Prosecution moves for the reconsideration of the order given in open court today, and for the re-opening of the trial to allow the presentation of prosecution’s rebuttal evidence,” ayon sa mosyon.

“While the presentation of rebuttal evidence is discretionary with the prosecution in criminal action, in the instant case, the overwhelming import of the new facts disclosed by the accused which have a damaging effect on the complainant’s version is imperative and necessary.”

Ikinagulat naman ng kampo ni De Lima nang makatanggap ng kopya ng mosyon ng DOJ nagsasaad para iharap si Atty. Demiteer Huerta ng Public Attorney’s Office (PAO) bilang rebuttal witness.

Gusto umano ng DOJ na muling buksan ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 ang kaso kaugnay ng mga alegasyon na tumanggap si De Lima ng pera ng ilegal na droga mula kay dating Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rafael Ragos.

Tiniyak Naman ni Atty. Filibon Tacardon, legal counsel ni De Lima, na maghahain sila ng oposisyon sa mosyon.

Magugunita na noong 2022 ay binawi ni Ragos at self-confessed drug lord Kerwin Espinosa ang kanilang mga alegasyon laban kay De Lima at humingi ng tawad sa dating Senador.

Noong Pebrero 2021 naman ay ibinasura ng Muntinlupa City RTC Branch 205 ang isa sa tatlong kaso ng droga laban kay De Lima.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read