Latest News

DOJ, hihingi ng gabay sa SC sa pagharap sa kaso ng POGO

Hihingi ng gabay ang Department of Justice (DOJ) sa Supreme Court(SC) sa pag-aksyon sa mga kasong kinasasangkutan ng iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sinabi rin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na susulat siya sa SC para humingi ng gabay na makakatulong para maging maayos ang procedure sa paghawak sa kaso ng iligal na POGO.

Inaasahan umano na magtatanong siya ng mga bagay may kinalaman sa Rules of Court.


“There are many things in the Rules of Court that probably should be considered as important and should be more threshed out to be able to be more effective in a world which is now more porous than ever,” ani Remulla.

Magugunita na nadismaya si Remulla sa kaso na dinala za DOJ ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa iligal na.operasyon ng POGO na sangkot sa human trafficking.

“Nabibitin tayo sa mga kaso sapagkat, katulad ng lahat ng mga kaso ng POGO, maraming ayaw tumestigo ,” ayon pa kay Remulla.

“The transient nature of foreigners working in the country under temporary permits will need special rules so that the testimonies can be perpetuated so that we will be able to enforce the law properly,” dagdag ni Remulla. (JANTZEN ALVIN)


Tags: Department of Justice (DOJ)

You May Also Like

Most Read