Latest News

DOJ HEARING, DI SINIPOT NI MAYOR GUO

By: Philip Reyes

Hindi sinipot ni suspendidong Bamban Mayor Alice Guo ang pagdinig kaugnay sa kasong human trafficking na isinampa laban sa kanya at sa halip, siya ay kinatawan ng kanyang abogado.

Inaasahan na si Guo at ang 13 na co-respondents nito ay maghahain ng counter-affidavits sa reklamong may kaugnayan sa isinagawang pagsalakay sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa bayan ni Guom kung saan may 800 Filipino at dayuhan ang nasagip.

Muling itinakda ang paghahain ng counter-affidavit matapos na magharap ng supplemental complaint-affidavit ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).


Ayon kay PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio, nagdagdag sila ng Filipino respondent sa reklamo.

“Meron po siyang kinalaman doon sa management nung Zun Yuan Technology, Hongsheng, at saka ng Baofu Land Development,” ani Casio.


“Hindi lamang yun, papatunayan din po nila na sila po ay hindi nakakalabas ng malaya sa lugar. Kumbaga sila ay mga nakakulong doon. Eh, binibigyan lamang sila ng isang araw, isang buwan para makalabas. May bawas pa doon sa kanilang… sahod,” dagdag ni Casio.

Samantala,sinabi ni Inter-Agency Council Against Trafficking Chairperson at Justice Undersecretary Nicky Ty na ang paghahain ng counter- affidavit ng mga respondent ay itinakda sa Agosto 6, 2024.


Tags: Bamban Mayor Alice Guo

You May Also Like

Most Read