Ikinukunsidera ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang paggamit ng artificial intelligence (AI) sa pagsabat ng mga biktima ng human trafficking sa mga airport.
“Alam mo, yung profiling natin baka kailangan na nating gumamit ng artificial intelligence,” ani Remulla bago ang pagpupulong sa pagitan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at stakeholders.
‘We’ll try to see if we can use artifical intellligence to vet many of the people who want to leave, especially ‘yung prone sa trafficking,” dagdag pa ni Remulla.
Samantala, umapela si Remulla, na siyang chairman ng IACAT, sa publiko na magkaroon ng pasensiya sa isasagawang screening process bago pasakayin sa kanilang flight.
“Iniingatan natin ‘yung mga taong maaring ma-traffic sa ibang bansa,” giit pa ni Remulla.
Sanhi nito,pinayuhan ni Remulla ang publiko na mas maagang dumating sa airport para iayos ang papeles at hindi ma-offload sa kanilang mga flight.
Kasabay nito,binalaan ni Remulla ang mga immigration officers na posibleng sangkot sa human trafficking activities.
Tiniyak ni Remulla na papapanagutin sa batas ang mapapatunayang sangkot sa human trafficking.