Latest News

DOH, walang naitalang pagtaas ng COVID-19 cases sa unang linggo ng Alert Level 1

WALA umanong naitalang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) sa unang linggo nang pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) at 38 pang lugar sa bansa sa Alert Level 1.

Sa isang Viber message nitong Martes ng gabi, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na, “At present, we have not seen any increase in COVID-19 cases since we have implemented Alert Level 1 in several areas in the country.”

Tiniyak rin naman ni Vergeire sa publiko na istriktong minu-monitor ng pamahalaan ang mobility ng mga tao upang matiyak na tumatalima ang mga ito sa minimum health protocols.

“Since the implementation of Alert Level 1, an increase in the mobility of people has been expected given that employers have implemented 100% workforce capacity, and establishments can now operate in their full capacities as well,” aniya pa

“The government strictly monitors the mobility of the public with incessant reminders on adherence to minimum public health standards as well as the national vaccination drive for those eligible to get inoculated,” dagdag pa ni Vergeire.

Matatandaang ang NCR at 38 iba pang lugar sa bansa ay nakasailalim sa pinakamaluwag na Alert Level 1 simula noong Marso 1 hanggang sa Marso 15. (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read