“Huwag kayo iinom ng antibiotic na hindi po nirereseta ng doktor.”
.
Ito ang inihayag ni spokeperson Dr Eric Tayag ng Department of Health (DOH), kasabay ng payo sa publiko na sundin ang health protocols kasunod ng pagtaas ng “influenza-like illnesse’ sa bansa.
Ayon kay Tayag, inaasahan na ang pagtaas nito dahil sa pagsisimula ng maulan at malamig na panahon.
Sinabi ni Tayag na dapat na mag-ingat ang publiko, tulad ng pananatili sa bahay, pagsusuot ng facemask at pagsunod sa physical distancing.
NaNawagan si Tayag sa mga magulang na i-monitor ang kondisyon ng kanilang mga anak .
“Sa mga bata, baka mauwi iyan sa bronchopneumonia… kaya iyong mga magulang pinapaalala namin, tingnan niyo ‘yung hingal niya, ‘yung bilis ng paghinga, ‘pag lumampas ng 40 per minute iyan, malamang sa hindi may bacterial pneumonia (ang bata), kailangan ng antibiotic,” ayon kay Tayag.
Mahalaga din na magpa-swab test ang mga may flu-like illnesses dahil baka ito ay COVID-19.
Samantala, inirekomenda niya ang flu vaccine partikular na sa mga matatanda.