Latest News

DOH USEC TAYAG, NAG-RETIRE NA

By: Jaymel Manuel

Nagretiro na sa serbisyo si Enrique Tayag bilang undersecretary sa Department of Health (DOH).

Ang pagre-retire ni Tayag ay inianunsiyo sa regular na flagraising ng DOH. Napag-alaman na may 35 taon ding naglingkod si Tayag bilang DOH Usec at ito ay sumikat sa pagiging ‘dancing official’ ng DOH.

Bilang reaksyon, sinabi naman ni Health Secretary Ted Herbosa: “On behalf of the entire Department and the health sector, I thank Usec. Eric Tayag for his time and talent all these decades in the service of the Philippine health sector. I am witness to his well-deserved progression from a young infectious disease doctor and epidemiologist, to health Undersecretary, Chief Information Officer, and DOH Spokesperson.”


“Maaasahan talaga si Usec. Eric. Maraming salamat sa serbisyo. We know that your heart and passion for service will continue,” dagdag pa nito.

Ayon kay Herbosa, simula sa Abril 15 ay si Asst. Secretary Ariel Valencia na ang papalit kay Tayag bilang DOH Public Health Services Cluster (PHSC) na in- charge sa epidemiology, disease prevention and control at health promotion, habang si Usec. Emmie Liza Perez-Chiong naman ang magiging bagong Chief Information Officer (CIO) ng digital health at health information systems.


Samantala, si Officer-in-Charge Assistant Secretary Albert Francis E. Domingo naman ang magiging DOH Spokesperson.


Tags: Enrique Tayag

You May Also Like

Most Read