Umaasa ang Department of Health(DOH) na magkakatotooo ang pahayag ng World Health Organization(WHO) na hindi na magiging public health emergency ang COVID-19 ngayong 2023.
“We’re hopeful that totoo at mangyari ‘yun umaasa ang Department of Health sa sinasabi ni WHO but it doesn’t fully depend on us, it depends on how this virus will change,”ayon kay Dr. Alethea De Guzman, director ng DOH epidemiology bureau.
Gayunman,sinabi ni De Guzman na naniniwala siya na ang pandemya ay nananatiling “waiting game”.
“We don’t want to be blindsided by the emergence of new variants. I think for me, that’s the only unknown that remains here, kasi, patuloy siyang nagbabago eh. Every month may bago na namang variant,” ani De Guzman.
Nabatid na sa buong mundo, ang omicron at ang subvariants nito ang naging laganap sa mga samples na isinumite sa GISAID noong 2022.
Sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19, hindi na ” “helpless” ang mundo sa nasabing virus dahil may.mga panangga na ang mga bansa para magamot ang mga malalang sakit. (Philip Reyes)