Nilinaw ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes na ‘fake news’ ang kumakalat na mga ulat na mayroong bagong COVID-19 wave sa Metro Manila.
Sa isang pahayag, pinayuhan pa ng DOH ang publiko na huwag paniwalaan ang kumakalat na mensahe hinggil dito.
Binigyang-diin ng DOH, na ang naturang mensahe ay hindi beripikado at walang kinalaman dito ang mga tinutukoy na doktor at pagamutan.
“The Department of Health (DOH) advises the public against a circulating message claiming a new COVID-19 wave in Metro Manila, attributed to a practitioner from a private hospital. It is important to note that the message is unverified and the doctor and hospital are not involved,” ayon pa sa DOH.
Dagdag pa nito, walang credible na ebidensiya at wala ring opisyal na anunsiyo mula sa mga health authorities na sumusuporta na pahayag na may panibagong COVID-19 surge. “There is no credible evidence or official announcement from health authorities supporting the assertion of a surge in COVID-19 cases at the mentioned hospital.”
Hinikayat rin naman ng DOH ang publiko na mag-rely o maniwala lamang sa mga impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang mga sources gaya ng DOH at iba pang official health organizations.
Giit ng DOH, ang pagpapakalat ng maling impormasyon ay makakapagdulot lamang ng hindi kinakailangang pagpapanik at takot sa publiko.
Banta pa ng DOH, maaaring sampahan ng kasong kriminal ang mga taong nagpapakalat ng maling ulat.
“Furthermore, the DOH states that criminal charges may be pressed if related post/s shall persist. The DOH continues to enjoin the public to source information only from legitimate sources and platforms such as the health department, which can be accessed through the links and social media handles below,” anito pa.