Latest News

DOH SA VACCINATORS: SUMUNOD SA MGA POLISIYA

PINALALAHANAN ng Department of Health(DOH) , ang mga personnel sa vaccination site na ipatupad ang mga policy at guidelines sa pagbabakuna.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire kabilang na ang pagbibigay ng homologous primary series.

Ang paalala ay ginawa ni Vergeire matapos maturukan nang magkaibang vaccine brand ang isang tao kung saan binigyan ng Sinovac sa 1st dose at Pfizer sa 2nd dose. Ang isa naman ay binigyan ng Astrazeneca za 1st dose at sa 2nd dise ay binigyan naman ng single dose na Janssen.


“This is not aligned with our strategies for vaccination. Kailangan kasi primary series is homologous bago magkaroon ng heterologous o homologous booster shot,” ayon kay Vergeire .

Sinabi ni Vergeire na maari naman tumanggap ng booster ang dalawang indibiduwal base na rin sa rekomendasyon ni Dr. Edsel Salavaña, miyembro ng DOH-technical advisory group.

“Magpa-booster na lang po para sigurado,” dagdag ni Vergeire ,dahil hanggang may kaso pa sa mga komunidad ay may tsansa na mag mutate.

“Meron pa rin hong tyansa na magbigay ng kakaibang variant ang virus na ito. Kaya kailangan tuloy-tuloy pa rin tayo sa pag-iingat natin,”paliwanag pa ni Vergeire.


Ayon kay Vergeire malapit na ss 60 milyon ang fully vaccinated sa bansa at nasa 60.6 milyon na ang nakatanggap ng

1st dose, habang 8 milyon ang nakapagpa booster.

Tags: Health Usec Maria Rosario Vergeire

You May Also Like

Most Read