Latest News

DOH sa publiko: Maging “open-minded”

Nakiusap sa publiko ang Department of Health (DOH) na maging “open-minded” matapos na suspendihin ng anim na buwan ang may 33 opisyal ng ahensiya kaugnay sa umano’y ma-anomalyang pagbili ng pandemic supplies noong 2020 at 2021.

“We ask the public to reserve judgement and keep an open mind until the investigation has been resolved ,”ayon sa DOH.

Tiniyak ng DOH na nakahanda silang makipag- kooperasyon sa isasagawang imbestigasyon ng Ombudsman.

Sinabi ng DOH na inirerespeto nila ang Ombudsman sa kanilang kautusan.

Gayunman,idinepensa ng DOH ang mga sinuspinde at tiniyak na ang mga ito ay sumunod sa procedures ng procurement ng mga supplies.

Kinilala rin umano ng DOH ang integridad,kakayahan at dedikasyon sa trabaho ng mga sinuspinde na ang Ilan ay halos apat na dekada nang naglilingkod sa kagawaran.

” Furthermore,we would also like to reiterate that the role of DOH and the Research Institute for Tropical Medicine(RITM) was limited to providing technical inputs as end users in the conduct of the procurement of commodities for the COVID-19 pandemic,”dagdag ng DOH.

Nilinaw pa ng DOH na ang suspension na iginawad ng Ombudsman ay hindi Isang parusa kundi bahagi ng procedure para hindi ma-impluwensiyahan ang imbestigasyon. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read