Hindi umano bubuwagin ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sakaling malagdaan bilang batas ang panukalang lilikha sa Center for Disease Control (CDC).
Ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, hindi bubuwagin ang RITM at ia-absorb ito ng CDC.
“I’d like to assure all our personnel in the RITM na hindi po natin bubuwagin ang RITM,” lahad ni Vergeire sa isang press briefing.
“Wala rin hong katotohanan na merong mga tao from RITM na hindi maa-absorb o mawawalan ng trabaho. There is no truth to that,” dagdag niya.
Ang RITM ay isang health research facility sa Muntinlupa.