Latest News

DOH: Pagtaas ng naitatalang influenza-like illness (ILI) cases sa bansa, bumabagal na

By: Carl Angelo

Iniulat ng Department of Health (DOH) na nagkaroon na nang pagbagal ang pagtaas ng naitatala nilang influenza-like illness (ILI) cases sa bansa.

Sa datos na inilabas ng DOH, nabatid na hanggang nitong Nobyembre 11 (Morbidity Week 45), kabuuang 182,721 ILI cases ang nai-report sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, unti-unti nang bumabagal ang pagtaas ng mga kaso, matapos na makapagtala lamang ng 10,242 kaso sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo o mula Oktubre 15 hanggang 28.


Ito ay mas mababa ng 20% kumpara sa naunang nakalipas na dalawang linggo.

Gayunman, paglilinaw ng DOH, ang naturang trend ay dapat na i-interpret ng may-pag-iingat dahil maaaring mayroon pang mga kasong hindi naitatala o late reports.


Samantala, sa regional level naman, walang rehiyon ang nakitaan nang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng sakit sa nakalipas na six-week period o mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 11.

Gayunman, ang Region V ay nakitaan ng pagtaas ng kaso sa nakalipas na 3-4 weeks, at nag-ulat ng 75 bagong kaso sa nakalipas na apat na linggo o mula Oktubre 15 hanggang Nobyembre 11.


“Region V reported 75 ILI cases in the recent 4 weeks or MW 42-45 (October 15 – November 11, 2023). Of these, 63 new ILI cases reported in the recent three to four weeks or MW 42 to 43 (October 15-28, 2023) showing a 43% increase compared to the 44 ILI cases reported 2 weeks prior,” anang DOH.

Dagdag pa nito, “Based on the five-year data, the recent rise in ILI cases are expected and can be attributed to the rainy season. Moreover, we anticipate the cases to continue declining in the coming weeks but are expected to rise again by the start of January. Nevertheless, everyone is encouraged to employ layers of protection such as masking, ensuring adequate ventilation, as well as getting vaccinated.”

Patuloy namang hinihikayat ng DOH ang publiko na magsagawa ng individual self-assessment at magpatupad ng mga kinakailangang proteksiyon, gaya nang pagsusuot ng face mask, upang maiwasan ang higit pang pagkalat ng respiratory infections, partikular na ngayong nalalapit na holiday season.

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like