NAKAHANDA na ang mga opisyales ng Department of Health (DOH) na makatrabaho ang itatalagang bagong Kalihim sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Ayon sa DOH officials, nakahanda na umano sila sa mga pagbabago na mangyayari sa ahensiya pag-upo ng bagong administrasyon.
“We shall welcome the next Secretary of Health – whoever they may be DOH officials are eager to work closely with its next Secretary to continue the implementation of the Universal Health Care Act,”ayon sa DOH.
Naniniwala si DOH Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na gusto ni Health Secretary Francisco Duque III na ipagpatuloy ng kanyang kapalit ang iba’t -ibang polisiya kaugnay sa COVID-19, gaya ng pagpapataas pa ng vaccination rate at pag-mantina sa minimum public health standards.
“If I will be reading the mind of the Secretary, sa tingin ko ang ihahabilin niya dito sa bagong Secretary na darating ay ituloy lang kung ano ang naumpisahan natin dahil nakita naman natin na naging epektibo naman itong ating ginagawa . Of course, mayroong mga areas for improvement,”ayon kay Vergeire.
Sinabi ni Vergeire na dahil sa pandemya, nakita ang kahalagahan ng primary health care at ang halaga rin ng Telemedicine sa panahon ng pandemya.
“The pandemic also highlighted the need for sound leadership and good governance of provincial governors and city mayors, who have been responsible for the successful roll-out of vaccines within their respective local health systems,” dagdag ni Vergeire. (Arsenio Tan)