Latest News

DOH, nakapagtala ng 34 kaso ng heat-related illness

By: Jaymel Manuel

Inihayag ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ito ng 34 na kaso ng heat-related illnesses ngayong mataas ang heat index sa ilang lugar sa bansa.

Ayon sa inilabas na datos ng Event-Based Surveillance and Response System ng DOH, ang naturang 34 heat-related illness cases ay naiulat mula Enero 1 hanggang Abril 18, 2024.

Ito ay pawang mula sa mga rehiyon ng Central Visayas, Ilocos Region, at Soccsksargen.

Ayon sa DOH, sa naturang bilang ay anim katao na umano ang iniulat na nasawi.

Samantala, patuloy na bineberipika ng DOH ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito.

Tags:

You May Also Like

Most Read