DOH, nakaalerto sa bagong pathogens

By: Carl Angelo

Binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) ang isang bagong pathogen bunsod na rin ng pagtaas ng mga influenza-like illnesses (ILI) sa bansa at ng respiratory diseases sa China.

Sinabi ni DOH Undersecretary Eric Tayag na may mga pasyenteng nakakaranas ng flu-like symptoms gaya ng mataas na lagnat, ubo, sipon at pananakit ng lalamunan, na bumisita sa mga pasilidad ng DOH at sinuri upang matukoy ang virus na tumama sa kanila.


Sinabi ni Tayag na nakaalerto ang DOH matapos na makumpirma na ang ilang kaso nito ay dulot ng COVID-19 habang ang iba pang kaso ay natukoy na influenza A o B.

Ginagawa umano nila ito nang regular dahil may binabantayan silang bagong pathogens.

Nabatid na simula nang mag-umpisa ang taon ay nagsimula nang magkaroon ng pagtaas ng ILIs sa bansa.


Hinimok rin ang mga doktor na kaagad na iulat kung may naitatalang kakaibang clustering ng mga kaso ng trangkaso upang kaagad itong maimbestigahan.

Napag-laman na umaabot na sa 190,000 ILIs ang naitala na nila sa bansa.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like