Nakaantabay ang Code White Alert ng Department of Health (DOH) mula Huwebes, Mayo 1, Labor Day, hanggang bukas, Mayo 2, bilang paghahanda sa anumang mga kaganapang may kinalaman sa kalusugan na nangangailangan ng agarang pagtugon.
Sa ilalim ng Code White Alert, inaasahang ia-activate ng mga pagamutan ang kanilang Operations Centers (OPCENs), na patuloy na mag-uulat at makikipag-ugnayan sa regional at Central DOH OPCENs.
Dapat ring mayroong mas maraming medisina at iba pang supplies sa emergency at operating rooms, partikular na sa trauma.
Ang iba pa namang mga pangangailangan o necessities, gaya ng x-ray plates, laboratory requirements, at iba pa, ay dapat ring available sa mga pasyente ng libre.
Dapat rin umanong mas maraming pondo at mas maraming doktor at nurse na magkakaloob ng serbisyo, sakaling kailanganin.
Gayundin, dapat na mas mabilis ang triage system dahil sa mas maraming pasyente.
Pahayag ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa: “By order of President Marcos, the DOH is on standby during times like the Labor Day observance for the health of every citizen.
“The DOH and its hospitals are ready. Just call our hotline 1555 for your needs,” dagdag pa nito.