Latest News

DOH, NAIS AMYENDAHAN ANG EUA PARA SA IKAAPAT NA DOSE NG BAKUNA

NAGSUMITE ng aplikasyon ang Department of Health (DOH) sa Food and Drugs Administration (FDA) para amiyendahan ang emergency use authorization (EUA) ng mga bakuna kontra COVID-19 para makapagbigay na ng ikaapat na dose nito para sa mga senior citizen at mga ‘immunocompromised’.

Ito ay makaraang irekomenda na ng Vaccine Experts Panel ang pagbibigay ng ikaapat na dose sa naturang mga grupo.

“Ito po ay napag-usapan na rin sa All Experts Group. Inaantay na lang po natin. Nag-submit na po ang DOH ng application sa FDA para sa ating amendment ng EUA for these fourth doses,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.


Sa kasalukuyan, tanging pinapayagan sa ilalim ng umiiral na EUA ang pagbibigay ng primary doses o ang una at ikalawang shot ng COVID-19 vaccine at ikatlo o booster shot sa pangunahing populasyon sa bansa.

Hinihintay na lamang ngayon ng DOH ang magiging desisyon ng FDA at saka pag-uusapan kung paano ipatutupad ang pagbibigay ng ikaapat na dose.


Nasa 65 milyong Pilipino na ang ganap na bakunado habang nasa 11.6 milyon pa lamang nito ang nakatatanggap ng kanilang booster shot.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read