DOH, NAGPAHAYAG NG SUPORTA SA QC ORDINANSANG PAG-DISPLAY NG CALORIES SA MGA PAGKAIN NG RESTAURANT

By: Jaymel Manuel

Naghayag ng pagsuportad ang Department of Health (DOH) sa ordinansa ng Quezon City local government na nag-oobliga sa mga restaurant at iba pang kainan sa lungsod na i-display ang bilang ng calories ng kanilang mga pagkaing isinisilbi.

Ito, ayon sa DOH, ay mabuti para malaman ng mga kostumer kung ano ang masustansiyang pagkain ang kanilang kinokonsumo..

Kaugnay niyan ay hinihikayat ng DOH ang publiko na kumain ng mga pagkaing balanse sa diet at limitahan o iwasan ang pagkain ng processed foods at mga pagkain na mataas sa calories.


Dapat din umanong samahan ng sapat na physical activity dahil ang sobrang calories sa katawan ay maaring magresulta ng ‘obesity’ at ‘overweight’ na maaring magdulot ng ‘non-communicable diseases’ gaya ng diabetes, heart attack at stroke.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read