Nagpadala ang Department of Health (DOH) – Ilocos Region ng medical at response teams mula sa regional office at Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) sa mga lugar sa Ilocos Norte na naapektuhan ng bagyong Egay.
Nabatid na nasa 37 health personnel ang mula sa regional office habang 27 naman ang personnel na mula sa ITRMC, na pawang mga medical doctors, nurses at engineers.
Hinati umano ang grupo sa apat na clusters upang makapagbigay ng medical at public health water sanitation at hygiene, nutrition, mental health at psychosocial support sa mga typhoon victims.
Ang Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center ay nag-deploy rin ng tatlong teams na binubuo ng mga doctors, nurses, pharmacists, medical social workers, dietitians at ambulance drivers upang tumulong at magkaloob ng medical services para sa mga komunidad na matinding sinalanta ng bagyo.
Ang Team 1 ay itinalaga sa bayan ng Adams, habang mga munisipalidad ng Currimao at Badoc naman ang sakop ng Team 2, at ang Team 3 naman ay ipinadala sa bayan ng Banna.
Inaasahang mag-aalok ang mga ito ng medical consultations at magsasagawa ng mga minor surgeries.
Ayon kay Regional Director Paula Paz M. Sydiongco, naghatid na rin ang regional office ng iba’t ibang pangangailangan ng mga residente na tinanggap ng Provincial Government of Ilocos Norte (PGIN) kamakailan.
Kabilang sa mga ito ay mga first aid kits, heavy-duty cot beds, hygiene kits, water containers/jerry cans, troclosene sodium effervescent tablet para sa pag-disinfect ng inuming tubig, antibiotics, cough at cold medications, pain relievers, vitamins, at salbutamol inhalers na nagkakahalaga ng kabuuang ?381,774 milyon.
“This is the first batch of commodities sent to the province last July 27, 2-23 and we have again delivered assorted drugs and meds and first aid kits coming from the DOH central office amounting to P546,757.20, as per request of Senator Imee R. Marcos and received by PGIN yesterday morning, July 29, 2023, to further augment the existing supplies already prepositioned in the province,” ani Sydiongco.
“Plus, dinagdagan pa naming ang mga hygiene kits, jerry Cans and bottled water amounting to P180,715 and delivered also to PGIN on July 29, 2023. These communities and the medical teams deployed are employed to ensure that no health problems such as food and water-borne illnesses will arise,” aniya pa.
Pagtiyak pa niya, “We are continuously monitoring everything and making sure that medical assistance is adequate. All our provincial DOH offices are in coordination with the local government units, district hospitals to provide for any additional assistance or medical services.”
Nabatid na sa Ilocos region, ang mga lalawigan ng Ilocos Norte at Ilocos Sur ay kabilang sa mga pinakamatinding binayo ng bagyong Egay.
Ang lalawigan ay kasalukuyan nang nasa ilalim ng state of calamity, kabilang ang Ilocos Sur at Dagupan City, Pangasinan.
Ani Sydiongco, nagpadala rin ang regional office ng karagdagang hygiene kits sa mga lalawigan ng Ilocos Sur na may 250 kits, La Union na may 215 kits at Pangasinan na nasa 200 naman.
Dagdag pa ni Sydiongco, “The regional office and its hospitals are ready to provide medical assistance. Patuloy po tayong mag-ingat at umiwas sa anumang sakuna para po sa ating kaligtasan at ng ating pamilya at ugaliing making at sumunod sa alintuntunin ng ating mga lokal na pamahalaan.”














