Latest News

DOH, nagpadala ng dagdag-medical teams sa Bicol

By: Carl Angelo

Inihayag ang Department of Health (DOH) ng dagdag na medical teams sa Bicol upang tumulong sa Health Emergency Response Teams (HERTs) sa pagbibigay ng healthcare sa Bicol region, matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine.

Napag-alaman na may karagdagang 39 doktor, nurses at mga kaalyadong health professionals na dumating sa Naga City General Hospital (NCGH) sakay ng airlift, habang 52 pa ang makikilahok sa kapwa nilang health workers sa Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center (BRGHGC) .

Kabilang sa augmentation staff ang mga miyembro ng WHO-recognized Philippine Emergency Medical Assistance Teams (PEMAT) mula sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital sa Pampanga, DrJose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium in Manila at Eastern Visayas Medical Center sa Tacloban City.


May mga ipinadala rin na health staff mula sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center, San Lorenzo Ruiz General Hospital, Tondo Medical Center at Valenzuela Medical Center.

“Disaster response systems for health are working and in place. DOH joins the conveyor belt of aid directed by President Marcos Jr. to Bicol and elsewhere it is needed. We are serious when we say, ‘bawat buhay mahalaga’ – wala talagang maiiwan,” dagdag ni Health Sec. Herbosa.

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read