DOH, NAGPAALALA TUNGKOL SA HEAT WAVE

By: Baby Cuevas

NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) sa publiko ukol sa mararanasan na “heat wave” sa panahon ng tag-init sa bansa.

Pinayuhan ni Health Secretary Ted Herbosa ang publiko na gumamit ng payong at magsuot ng sumbrero.

Payo rin ng DOH na magsuot ng preskong damit, magbaon ng tubig at limitahan ang pagbilad sa araw mula alas- 10 ng umaga hanggang alas -3 ng hapon.


Samantala,sinabi ng DOH na dapat ihanda ang mga sarili sa napakainit na temperatura mula 40°-50°C.

Iwasan ang mabilis na pag-inom ng napakalamig na tubig o maraming yelo dahil posibleng sumabog .

Nabatid na nararanasan na ngayon ang “heat wave” sa Malaysia, Indonesia, Singapore at iba pang mga bansa sa Asya.

Kapag umabot na sa 38°C ang init at galing kayo sa labas.. hayaan natin na mainit ang ating katawan. Huwag uminom ng malamig na tubig..pwede uminom ng mainit o maligamgam na tubig subalit dahan ang pag-inom..


Huwag kaagad maghugas ng kamay o paa, wag maghilamos o basain ang bahaging nabilad sa araw. Magpalipas ng di bababa sa 30 minuto o kalahating oras bago maghilamos o maligo, payo pa ng DOH.

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read