Latest News

DOH, nagpaalala sa publiko sa sakit dulot nang pagsabog ng bulkang taal

PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) ang publiko kaugnay sa posibleng sakit na maaring makuha dahil sa “sulfur dioxide” na ibinuga ng Bulkang Taal.

Pinayuhan ng DOH ang publiko partikular na iyong malapit sa bulkan na palagian magsuot ng facemask.

“Ang sulfur oxide ay isang nakalalasong usok na maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao at hayop, pati na rin ang mga halaman. Maaari kang ma-expose rito sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin na may sulfur oxide o sa pamamagitan ng skin contact,” ani DOH.


Mas dapat na mag ingat ay iyong mga tao na mahihina ang baga, may sakit na hika, may sakit sa repiratorio na maaaring magdulot ng hirap sa paghinga.

Dapat rin na isara ang mga pinto at bintana ng bahay, at huwag lumabas kung hindi naman kinakailangan

Nabatid na maaaring magdulot ang sulfur oxide ng pangangati ng bala, pangangati ng mata, mucus secretion, bronchitis, pag-uubo at hika.

Pinayuhan ng kagawaran ang mga nakatira malapit sa bulkan na palagiang magsuot ng face mask na panlaban sa sulfur oxide hindi lang sa COVID-19. (Philip Reyes)


Tags:

You May Also Like

Most Read