Latest News

DOH, NAGLABAS NG PAALALA SA MGA RESPONDERS NG BATAAN OIL SPILL

By: Anthony Quindoy

NAGPAALALA ang Department of Health (DOH ) sa mga responders, volunteers at clean-up workers na tutugon sa oil spill bunga ng lumubog na Motor Tankers Terra Nova noong Hulyo 25,2024 sa karagatang sakop ng Limay,Bataan.

Ayon sa DOH, dapat na magsuot ng gown, gloves, boots at glasses,linisin ang damit at glasses kada pagkatapos ng clean-up operation at itapon na ng maayos ang ginamit na gloves.


Kung malalagyan ng langis ang balat ay dapat linisin kaaagad ito ng sabon at tubig at kung kakaptian ng langis ang damit ay mainam na labhan kaagad ito at huwag gumamit ng malakas na detergent ,solvent o iba pang kemikal.

Dapat din umanong iwasan na dalhin ang mga alagang hayup sa mga kontaminadong lugar at
tiyaking lahat ng basura, debris at mga natirang item na naapektuhan ng oil spill ay maayos na naitapon.

“Siguraduhin na bukas ang inyong kumunikasyon, maging alerto sa mga updates kung ano ang dapat at hindi dapat natin gawin sa mga panahong ito,” ayon sa DOH.


Sinabi ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ang oil spill ng lumubog na MT Terra Nova sa Bataan ay maaring makaapekto sa Bulacan, Cavite at Pampanga.

“We are on the lookout now for the possible contamination that could happen in the wetlands and the coastline areas not just of Bataan, but we are also looking at Bulacan, and we are also looking at Pampanga, possibly Cavite because of Corregidor,” ani Yulo-Loyzaga.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like