DOH, NAGLAAN NG P1 BILYON SA ‘ZERO BALANCE BILLING’ SA LGU HOSPITALS

By: Baby Cuevas

Mauumpisahan ang ‘zero balance billing’ sa malalaking pagamutan na pinangangasiwaan ng mga local government units (LGUs).

Ito ay matapos kumpirmahin mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na P1 bilyon mula sa budget ng Department of Health (DOH) ang gagamitin para masimulan na rin ang naturang programa sa LGU hospitals.


Sa pamamagitan ng naturang budget, ang mga gastos ng pasyente para sa basic accommodation ng ilang LGU hospitals ay magiging ?0.00 na lamang, ayon sa DOH.

Diumano, magiging batayan ng DOH ang Local Health Systems Maturity Levels at iba pang paghahandang teknikal sa pagpili ng LGU hospitals na magsasagawa na rin ng Zero Balance Billing.

Kasama sa mga ikukonsidera ang eligibility criteria, reporting requirements, at compliance obligations para masiguro na kaya ng LGU ang tuloy-tuloy na implementasyon ng programa.


Nagbigay katiyakan ang DOH na ang naturang pondo ay ididirekta sa mga naturang LGU hospitals at tulad ng kanilang Zero Balance Billing, hindi kakailanganin ng pasyente ang anumang “guarantee letter” mula sa pulitiko upang mai-avail ito.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like