DOH, naghahanda na sa COVID-19 vaccination sa mga batang edad 5 pababa

Naghahanda na ang Department of Health (DOH) para sa COVID-19 vaccination sa mga batang edad 5 at pababa.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ito ay sa sandaling magbigay na ng clearance ang Food and Drug Administration (FDA) at Health Technology Assessment Council na nagpapatunay na magbe-benepisyo sa mga bata.


“We are willing, and we are going to do that, so we are prepared to do these vaccinations and we have healthcare workers who are trained for the longest time on vaccinating our children,” ayon kay Vergeire.

Nabatid na inamiyendahan ng United States FDA ang emergency use authorizations (EUAs) ng bivalent Covid-19 vaccines na Moderna at Pfizer-BioNTech na isama para magamit sa mga bata edad 6 na buwan pababa.

Ayon kay Vergeire , tanging ang Sinovac manufacturer ang nag-apply para sa EUA.


Inaasahan na maga-apply rin sa susunod na panahon ang Pfizer at Moderna.

“So, antayin lang natin, kasi ‘yung EUA also triggers for our experts to evaluate further dahil dun sa EUA dun natin nakikita kung para sa kanino, ano pa ‘yung ibibigay at iba pang indication so antayin natin ‘yun and other studies will be done by the experts,” dagdag pa ni Vergeire. (Carl Angelo)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like