Latest News

DOH, NAGBABALA VS SAKIT DULOT NG KRISIS SA TUBIG

Naglabas ng babala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga sakit na posibleng makuha dala ng nararanasang krisis sa tubig.

Binanggit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa press conference ukol sa paglulunsad ng Philippine Multisectoral Nutrition Project sa Manila na maaring makakuha ang publiko ng cholera, typhoid fever af maging vector-borne diseases gaya ng dengue.


“Ito ay kasama sa ating mga tinitignan ‘pag may krisis sa tubig. Dahil ‘pag walang tubig sa kabahayan, tayo ay nag-iimbak ng tubig sa timba na hindi natatakpan. Minsan at doon nangingitlog ang lamok na nagbibigay ng dengue,” ayon kay Vergeire.

“Malaria can be part of the illnesses. ‘Pag nasira ang water irrigation system of farmlands, ito rin ay magdudulot nito,” dagdag pa nito.

Nabatid na Isa rin ang Schistosomiasis, isang sakit dahil sa parasitic worms na nakukuha sa freshwater snails at maaring makuha sa krisis sa tubig.


“Ang importante lahat tayo aware at lahat tayo alam kung ano ang gagawin kapag nangyari ito. Dapat ligtas na tubig ang iniinom. Di kaya naman ay pakuluan ang tubig kahit 5 minutes,” ayon pa kay Vergeire.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like