DOH, nagbabala sa W.I.L.D.Diseases

By: Jaymel Manuel

Muling nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa W.I.L.D. disease o Waterborne diseases, Influenza, Leptospirosis at Dengue, kasunod ng mga pagbaha ngayong tag-ulan.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na upang makaiwas sa W.I.L.D.disease, hindi dapat na magtapon ng basura kung saan-saan maski na hindi tag-ulan dahil makatutulong ito sa pananatili ng malinis na kapaligiran na maaaring pamahayan ng lamok at daga.


Sa oras ng pagbaha, iwasan umanoang paglusong sa baha at kung hindi maiiwasan, magsuot ng bota.

Gayundin , huwag umano uminom ng marumi at kontaminadong tubig hindi lamang tuwing may baha kundi sa araw-araw, dahil maraming mga mikrobyo sa maruming tubig anh makasasama sa ating katawan. Kung hindi siguradong malinis ito, pakuluan muna ang tubig kahit na hanggang tatlong minuto bago ito inumin.

Ayon pa sa DOH, mabuti na alalahanin din ang 5S Strategy na: search and destroy mosquito breeding sites; uphold self-protection like using of insect repellents; seek early consultation at the nearest health care facility; support fogging, spraying and misting sa hot spot areas; at manatiling hydration para makaiwas sa dengue.


Gayundin sa mga binabaha ang lugar, laging ihanda ang inyong mga Go-Bag na may mga damit na maaaring pamprotekta sa lamok, sakaling kailanganing lumikas at kung posible, magpabakuna na rin laban sa trangkaso o flu.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read