DOH, nagbabala sa mga turista sa sakit na makukuha sa “sightseeing” sa Bulkang Mayon

By: Carl Angelo

Naglabas ng babala ang Department of Health (DOH) sa mga turista ukol sa mga posibleng sakit na maaring makuha sa panonood ng aktibidad ng Bulkang Mayon.

Ayon kay DOH Secretary Dr. Teodoro “Ted” Herbosa, nakarating sa kanya ang ulat na maraming turista ang nagsa- sightseeing malapit sa Mayon Volcano partikular na sa gabi dahil sa magandang tanawin.


Sinabi ni Herbosa na mapanganib sa kalusugan ang gas at particles na inilalabas ng bulkan.

“Yung emissions nyan, may sulfur and sulfur dioxide, kumakabit sa hemoglobin yan nakaka-poison ng dugo,tapos yung dust naman yung ash can stick sa lungs natin ,”ayon kay Herbosa.

“Remember there is a concomitant health risk for being close to the eruption because of inhaling sulfur dioxide gas or the particulate matter,” paalala pa ni Herbosa.


Pinayuhan ni Herbosa ang mga turista na magsuot ng N95 mask o huwag pumunta malapit sa bulkan.

Una nang nagpalabas ng advisory ang Department of Tourism (DOT) sa Bicol na maari pa ring magpunta ang turista at lokal na bisita sa iba’t-bang tourist destination sa Albay maliban na lamang doon sa malapit sa bulkan Mayon, kung saan sa six -kilometer permanent danger zone lamagn maaring manood.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like