DOH, nagbabala sa airborne disease sa pagsabog ng bulkang Mayon

By: Jaymel Manuel

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa airborne disease na posibleng makuha kapag sumabig ang bulkang Mayon.

Ayon sa DOH, kabilang na ang skin irritation, eye irritation,mucus secretion at aggravated bronchitis sa sandaling lumabas at malanghap ang sulfur dioxide.


Sanhi nito, pinayuhan ng DOH, Ang mga residente malapit sa bulkan na
Maging mapagmatyag at alamin ang mga advisories na ibibigay ng local government unit (LGU).

Ang sulfur dioxide ay Isang colorless na toxic gas na nakakaapekto sa kalusugan ng tao, hayup at halaman.Maaring malanghap ito sa hanging o dumikit sa balat ang gas.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na magsuot ng facemask.at face shield para di maapektuhan ang mata, iwasan na lumabas ng bahay at isara ang pinto at bintana partikular na yung mga nakatira mga nakatira malapit sa caldera.


Kung sa palagay ay nalantad sa sulfur dioxide, kaagad na makipag-ugnayan sa
Poison Control Centers o magpunta sa pinakamalapit na ospital para mabigyan ng agarang lunas.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read