DOH, nagbabala laban sa watusi; 4-anyos bata, nakalunok ng watusi

By: Philip Reyes

Nagbabala ang Department of Health (DOH) laban sa watusi na madalas na napapagkamalang kendi , matapos na makalunok nito ang isang apat na gulang na batang lalaki sa Calabarzon.

Sanhi nito, nagpalabas ang DOH ng first aid tips sa sandaling nakalunok ang bata ng watusi kung saan dapat na huwag pasukahin ang bata.


Maaring bigyan umano ito ng 6-8 hilaw na puti ng itlog at kung matanda naman ay maaring bigyan ng 8-12 hilaw na puting itlog.

Kung napunta sa mata, hugasan kaagad ang mata ng malinis na tubig nang hindi bababa sa 15 minuto at panatilihing bukas ang talukap ng mga mata at dalhin sa pinakamalapit na emergency room ng hospital.

Kung apektado ang balat,hugasan kaagad ng maraming malinis na tubig ang mga apektadong lugar. Alisin ang kontaminadong damit (siguraduhing nalabhan ito bago muling gamitin.


Kung nalanghap.ang usok, hayaang makalanghap ang pasyente ng malinis at sariwang hangin at panatilihin siyang komportable.

Samantala, umabot na sa 88 ang naitalang fireworks-related Injuries ng DOH matapos na madagdagan ng 13 bagong kaso hanggang nitong Disyembre 28 , alas -5:59 ng umaga.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read

Latest News