NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga ‘heat-related illnesses’ gaya ng heat stroke, sa gitna ng tumitinding init ng panahon na nararanasan sa bansa.
“Such temperatures can lead to heat cramps and heat exhaustion, characterized by symptoms such as fatigue, dizziness, headache, vomiting, and light-headedness. Prolonged heat exposure increases the probability of heat stroke, a serious condition characterized by loss of consciousness, confusion, or seizures, which can be deadly if left untreated,” ayon sa DOH.
Sinabi ng DOH na kung ma-obserbahan ang mga naturang sintomas, ang taong meron nito ay dapat na magsagawa kaagad ng mga first aid measures. Kabilang diyan ang pagdadala sa pasyente sa malilim at malamig na lugar, sapat na bentilasyon, pagtatanggal sa outer clothing ng pasyente at pag-apply dito ng cold compresses, ice packs, malamig na tubig o malamig at basang tela sa balat, particular na sa ulo, mukha, leeg, kilikili, pulso, bukung-bukong at mga singit.
Sakaling gising o conscious ang pasyente, dapat umano na madalas ngunit mabagal itong pasipsipin ng malamig na tubig.
Makabubuti rin umano kung kaagad na tatawag ng emergency services at dalhin ang pasyente sa pagamutan.
Samantala ay pinapayuhan rin ng DOH ang publiko na regular na i-monitor ang mga ulat mula sa PAGASA at magsagawa ng mga preventive measures laban sa mga’heat-related illnesses’ gaya ng pag-inom ng maraming tubig; pag-iwas sa iced tea, soda, kape at alcoholic drinks; paglilimita sa oras sa labas ng bahay lalo na sa pagitan ng 10 a.m. hanggang 4 p.m.at paggamit ng proteksiyon laban sa ‘sunburn’ gaya ng sumbrero, payong at sunblock, gayundin ang pagsusuot ng maluluwag at magagaan na damit.
Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na “Heat-related illnesses are preventable. Sa masugid na pagsubaybay sa heat index, maaagapan natin ang heat-related illness. “The DOH is actively monitoring cases of heat related illnesses, dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay ay Mahalaga.”
Sinabi ng PAGASA na ang temperatura ng bansa ay maaaring umabot ng hanggang 45 degrees Celsius sa ilang lugar mula Marso 28 hanggang kahapon, Abril 3, 2024. Ang temperatura umano na nasa 33-41 degrees Celsius ay classified bilang “extreme caution” habang ang 42-51 degrees Celsius naman ay classified bilang “danger.”