BINALAAN ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa kumakalat na “false video”gamit ang larawan ni Health Secretary Teodoro Herbosa.
Ayon sa DOH, wala ni isa man sa mga alegasyon na sinasabi sa naturang video ang totoo at dito umano ay malisyosong ini-edit ang panayam kay Herbosa.
Ayon sa video na kumakalat sa iba’t-ibang social media platform, ang DOH ay ng-donate ng malaking halaga ng pera sa isang proyekto na naghahanap ng solusyon sa “prostatitis” .
Samantala, pinayuhan ng DOH ang. publiko na kumuha lamang ng. impormasyon sa lehitimong sources at platform ng DOH gaya ng #DOH #DepartmentOfHealth #Health #OneDOH #BawatBuhayMahalaga #BagongPilipinas #8PointActionAgend.
Sinabi ng DOH na sasampahan ng kasong kriminal ang nasa likod ng naturang maling video kapag hindi tinanggal sa social media ang nasabing video.