DOH, nag-donate ng P31M anti-dengue supplies sa Ilocos LGUs, hearing aids at assistive device sa Pangasinan

By: ARIANNE JAYMEL

Nag-donate ng mga anti-dengue supplies sa mga lokal na pamahalaan sa Ilocos Region, gayundin ng mga hearing aids at assistive devices para naman sa mga residente ng Pangasinan ang Department of Health (DOH).


Napag-alaman sa DOH-Ilocos Region na kabilang sa mga anti-dengue supplies na ipinamahagi nila sa mga lokal na pamahalaan sa Ilocos ay mga misting machines, backpack sprayers at insecticides at olyset nets na nagkakahalaga ng P31,539,000 at mismong si Regional Director Paula Paz Sydiongco naman ang nanguna sa turn-over ceremony na ginanap sa Bauang, La Union kamakailan.

“We are giving away these anti-dengue supplies to LGUs so that they can undertake their own misting operations, but only when there is a need for it,” ani Sydiongco.

Nag-paalala ito sa mga LGUs na gamitin lamang ang misting machines upang i-supplement ang eliminasyon ng adult dengue-carrying mosquitoes ngunit hindi ng larvae.


“The best and absolute solution to stop the spread of dengue is to follow the 4S of DOH’s Anti-Dengue Campaign,” ani Sydiongco. “Importante na maging malinis ang ating kapaligiran upang ang mga lamok ay walang mapagpugaran. Preventive and control actions must begin from us and the rest will follow together with the support of our partners and stakeholders in health, we can stop the spread and eliminate dengue in the community,” aniya.

Kabilang sa mga piling LGUs sa Ilocos Region na tumanggap ng supplies ay ang Balungao, Bugallon, Lingayen, Bayambang, Binmaley, Calasiao, Labrador, Infanta at Manaoag sa Pangasinan; Agoo, San Fernando City, Bauang, Naguilian at Tubao sa La Union; Quirino, Gregorio del Pilar, Tagudin, Candon City at Alilem sa Ilocos Sur; Adams, Sarrat, Batac City, Piddig, Pagudpod, Badoc, San Nicolas, Solsona, Laoag City, Carasi, Pinili, Bacarra, Dingras, Pasuquin, Currimao, Rosario, Burgos, Marcos, Bangui, Paoay at Vintar sa Ilocos Norte.


Bilang pagdiriwang naman sa “National Disability Rights Week” ay namahagi rin ang DOH – Ilocos Region, katuwang ang Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) ng mga hearing aids at assistive devices sa mga piling indibidwal sa Pangasinan, kung saan may kabuuang 20 hearing aids na nagkakahalaga ng P40,000 bawat isa ang idinonate ng regional office sa mga persons with disabilities (PWDs) na may hearing impairment at 60 wheelchairs naman ang ipinamahagi ng ITRMC at Latter-Day Saints Charities, sa aktibidad na isinagawa sa Balin Bolinao Municipal Building.

Ayon kay Sydiongco, ang distribusyon ng assistive devices, gaya ng hearing aids, ay isang espesyal na proyekto ng regional office at bahagi ng suporta nila sa mga PWDs.


“Binibigay namin ito sa mga individuals na may severe-to-profound hearing loss lalo na sa mga bata. Hearing disabilities can greatly impact each person’s ability to communicate, to learn, and to engage in society. These hearing aids can assist them in their daily activities and can restore and enhance their ability to hear and communicate,” saad nito.

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like