DOH, naalarma sa childhood pregnancy

By: Carl Angelo

Nagpahayag ng pagka-alarma si Health Secretary Ted Herbosa kaugnay sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kabataan na nasa15- anyos pababa .

Kinumpirma ni Herbosa ang “very high incidence” ng childhood pregnancy sa bansa kung saan sa 2022 datos ng the Philippine Statistics Authority (PSA), may 59 sa kada 100,000 populasyon ang nabubuntis sa edad na 15 pababa.


Ipinaliwanag ni Herbosa na ikinukunsidera na ang mga nabubuntis nang 15-anyos pababa bilang isang “childhood pregnancy.”

Sa kasagsagan ng pandemic noong 2020, lumabas sa datos ng PSA na 39.39% ng kada 100,000 populasyon ang nabuntis.

Tumaas pa ito ng 44.06% nitong 2021 at naging 59.34 noong 2022.


“We have a big problem with teenage pregnancy. Number one, ‘yan ang nagko-contribute sa maternal mortality kasi hindi sila nagpapa-prenatal. Sila ang high-risk sa what we call eclampsia and hemorrhage at childbirth,”ani Herbosa.

Isinisi rin ni Herbosa sa internet ang pagtaas ng childhood pregnancy.


“Number one, our children are already exposed to the internet. What we discovered is that internet was a big influence on sexual behavior of our teens. And then there’s peer pressure, of course,” paliwanag pa ni Herbosa.

Gayundin umano ang “socio-economic classes” dahil ang gusto ng iba rito ay makapag-asawa at makatakas sa kahirapan ng kanyang pamilya.


Tags: Health Secretary Ted Herbosa

You May Also Like

Most Read