Latest News

DOH: Moderna COVID vaccine para sa mga batang 6-11-anyos, aprubado na ng FDA

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Martes na inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Moderna COVID-19 vaccine para sa mga batang nasa 6-11 taong gulang pa lamang.

Ayon sa DOH, inamiyendahan na ng FDA ang emergency use authorization (EUA) para sa Moderna COVID-19 noong Mayo 20 upang maisama na rin ang naturang age group.

Sinabi naman ni Dr. Beverly Ho, direktor ng DOH-Health Promotion Bureau, na kailangan munang magbigay ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ng positibong rekomendasyon bago tuluyang i-rollout ang naturang bakuna para sa mga paslit.


Una nang inaprubahan ng FDA ang COVID-19 vaccine ng Pfizer para sa mga batang nasa 5-11 age group, at ng Sinovac, para naman sa mga batang nasa 6-taong gulang pataas. (Carl Angelo)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read