DOH: Mga expired at mae-expire na COVID-19 vaccines, papalitan ng COVAX

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) officer in charge Maria Rosario Vergeire na nangako ang COVAX facility na papalitan nito ang lahat ng expired at mae-expired na COVID-19 vaccine doses sa bansa, kabilang na rito ang mga binili ng pribadong sektor at mga local government units (LGUs).

Nauna rito, sa isang pulong balitaan nitong Martes ay nahingian ng update si Vergeire hinggil sa P5.1 bilyong halaga ng mga bakuna na binili ng pribadong sektor, na nag-expired na.


“We had an agreement with the COVAX facility, that these will all be replaced… Even those that have expired from the private sector and the local government units, the vaccines, papalitan po ng COVAX facility,” pagtiyak naman ni Vergeire.

Ayon kay Vergeire, ang pagpapalit sa mga expired na bakuna ay iiskedyul at isasagawa sa sandaling ang kasalukuyang suplay ng bakuna sa bansa ay magsimula nang maubos.

Tiniyak naman ni Vergeire na ang Pilipinas ay may sapat pang suplay ng bakuna sa ngayon.


“We are scheduling our replacement doon po sa time na kakailanganin natin itong mga replaced doses na dahil sa ngayon, sufficient pa po ang bakuna natin,” aniya pa.

Base sa pinakahuling datos ng DOH, umaabot na sa 71.9 milyong Pinoy ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, habang 16.6 milyon naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. (Arsenio Tan)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like