Latest News

DOH, may paalala sa Undas

Nagbigay ng mga tips ang Department of Health(DOH) sa publiko bilang paghahanda para sa “LigtasUndas2022”.

Ang ilang paalala ay dapat na tandaan upang mapanatilang ligtas ang sarili at payapa ang ating pag-alala at paggunita sa ating mga yumaong mahal sa buhay.


Ayon sa DOH dapat na planuhin ang araw ng pagbisita,mas mainam na pumunta ng mas maaga sa sementeryo at simbahan at huwag sumabay sa dagsa ng tao.

Kung maari ay huwag nang magsama ng bata,buntis o may karamdaman.

Siguraduhin na maayos ang preparasyon ng pagkain dadalhin sa sementeryo, magbaon ng patong,kapote,extra facemask,damit,pamunas at tubig.


Kung may nararamdaman sintomas ng COVID19 mas makabubuting ipagpaliban na muna ang pagbisita.

Gayundin,kung maari ay fully vacvinated ay may booster shot lamang ang isama, magtakip ng ilong at bibig kung babahing,sumunod sa pamantayan ipinatutupad sa sementeryo upang di maabala,itapon sa tamang tapunan ang basurq,i-sanitized ang mga kamay,at panatilihin nalasuot ang facemask pag-uwi at pagsakay sa pampublikong transportasyon.


Tags: Department of Health(DOH)

You May Also Like