DOH: Mahigit 31M shot ng COVID-19, nasayang

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na mahigit sa 31 milyong shots ng COVID-19 vaccines na ang nasayang sa Pilipinas.

Sa panayam sa teleradyo, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na sa kabuuang bilang ng mga nasayang na bakuna, nasa 24 milyon ang napaso o na-expired dahil sa maikling shelf life.


Ang natitira pa aniyang pitong milyon ay nasira naman dahil sa temperature excursion.

Ang iba pa aniya ay may bukas na vials at hindi nagamit.

Sinabi pa ni Vergeire na sa naturang 31 milyong nasayang na bakuna, halos 70% ang binili ng pribadong sektor at ng mga lokal na pamahalaan.


Batay sa datos ng DOH, hanggang noong Nobyembre 17, nasa 73.6 milyong Pinoy na ang fully-vaccinated laban sa COVID-19.

Sa naturang bilang, nasa 20.8 milyon naman ang nakatanggap ng kanilang first booster. (Jaymel Manuel)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like