DOH, MAGTATAYO NG COOLING CENTERS AT HYDRATION STATION LABAN SA INIT

By: Baby Cuevas

Nakatakdang maglalagay ng mga cooling center at hydration center ang Department of Health (DOH) sa iba’t- ibang lugar sa bansa para mapigil ang epekto sa kalusugan ng high heat index.

Naglabas na ng DOH Memorandum No. 2025-0114 si Health Secretary Teodoro Herbosa na nagbabalangkas ng mga hakbang upang talunin ang mga epekto ng matinding init sa kalusugan. dahil inaasahan umano na tataas pa and heat index sa mga susunod na araw patungo sa rurok ng tagtuyot sa bansa.

Alinsunod sa DOH DM 2025-0114, inaatasan ang lahat ng DOH units, kabilang ang Department-retained hospitals at health facilities tulad ng Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS) centers, na magpatupad ng mga pangunahing istratehiya sa kanilang sarili at makipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs) sa pamamagitan ng mga mekanismo tulad ng Puro Kalusugan (PK) na inilunsad kamakailan sa National Health Sector Meeting (NHSM).


Kabilang dito ang paghahanda sa nga pasilidad at health workers na may networking; kaalaman sa pampublikong kalusugan; pagtatatag ng mga cooling centers; climate-resilient health infrastructure, na kinabibilangan ng mga hydration stations at agarang pagtuklas at pagsubaybay sa mga sakit na nauugnay sa init.

Ayon sa DOH, ilalagay ang mga cooling center sa mga naka-aircondition na lugar na malapit sa mga ruta ng pampublikong transportasyon, na dapat gawing available at accessible sa pangkalahatang publiko lalo na sa mga matatanda, maliliit na bata, mga buntis na kababaihan at mga taong may kapansanan.

Ang mga hydration stations ay patuloy na magagamit ng publiko kung saan makakainom ng malinis at ligtas na tubig lalo na sa inaasahang kasagsagan mga oras ng kainitan mula alas- 9 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon, anang DOH.


Tags: Department of Health (DOH) Assistant Secretary Albert Domingo

You May Also Like

Most Read